Episode 227: "Live Show"

Barangay Love Stories - Podcast tekijän mukaan Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc. - Maanantaisin

Hanggang saan kayang protektahan ng isang ina ang mga anak niyang babae laban sa kinakasama niyang lalaki? Hindi aakalain ni Aira na sa mura niyang edad ay magta-'trabaho' na siya tulad ng kanyang mama Kaylin. Sa pagpipilit ni Lauro, ang lalaking kinakasama ni Kaylin, nakumbinse ang nanay ni Aira na pagkakitaan nila ang bata. Ang kanilang trabaho, ang pagbebenta ng aliw online. Sa takot na baka pati ang mga nakakabata niyang kapatid ay madawit sa trabahong ito, sinunod na lang ni Aira ang kanyang mama at tito Lauro kahit alam niyang mali ito. Pakinggan ang kwento ni Aira sa Barangay Love Stories.