Episode 324: "Salamat, Ate"

Barangay Love Stories - Podcast tekijän mukaan Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc. - Maanantaisin

Likas sa magulang na alagaan ang anak na kanilang dinala sa mundong ito. Pero may iba talaga na katulad ng nanay ni Rina at Raine na walang pake sa kanilang responsibilidad bilang magulang. Maagang namulat sa hirap ng buhay si Rina dahil siya ang tumayong nanay at tatay ng nakababatang kapatid na si Raine. Dahil kita niya ang hirap ni Rina, sinigurado rin ni Raine na hindi masasayang ang pagod ng kanyang ate. Pakinggan ang kwento ni Raine sa Barangay Love Stories.